

| Bingi sa sigaw |
|
|
| Sunday, 27 July 2008 | |
|
BINGI SA SIGAW? Tila malamig na tubig na ibinuhos at nagpahulas sa ating mga policy-makers at opinion-makers ang pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Stations o S-W-S. Pilit mang minaliit, hindi maikakailang nakuha ng survey na ito ang atensyon at pagtutok ng mga opisyal ng Palasyo. Sa survey, 60 percent ng mga mamamayan ang dissatisfied o hindi kuntento sa performance ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Samantala, 22 percent lamang ang nagsabing satisfied sila. Ayon sa S-W-S, ang ibig sabihin ng resultang ito ng survey, nasa negative 38 percent ang Net Satisfaction Rating ng Pangulo. Ito na ang pinakamababang satisfaction rating ni Pangulong Arroyo sa pitong taon ng kanyang pagkakaupo bilang Presidente. Ito na rin ang pinakamababang satisfaction rating na nakuha ng isang Presidente ng Pilipinas simula noong 1986 kung kailan naibalik ang demokrasya sa bansa. Bagama’t tila ayaw nilang aminin, mukhang nakabahala ang survey na ito sa Administrasyon. Abangan ang pagtalakay ng Adyenda sa latest SWS Survey ngayong biyernes sa QTV 11 (12MN), Sabado sa GMA7 (5:30AM), at sa Lunes sa QTV11 (12MN).
|
|
| Last Updated ( Monday, 28 July 2008 ) |
| < Prev | Next > |
|---|