CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Regular na sahod sa mga drayber ng bus sinuportahan PDF Print
Wednesday, 05 November 2008

Naniniwala si Villanueva na mababawasan kundi man tuluyang mabubura ang mga aksidente ng mga bus na ang dahilan ay pagmamadali ng mga drayber para kumita ng malaki.

“It is high time to consider giving bus drivers regular salary instead of commission basis to minimize if not totally avoided road accidents. This is also to caution them not to be on a hurry all the time," paliwanag ng kongresista.
 

Suportado ng ilang mambabatas sa Kamara de Representantes ang mungkahi na gawing fixed o regular ang sahod ng mga drayber ng bus sa halip na komisyon sa arawang kita na ipinatutupad ngayon ng mga operator ng pampasaherong sasakyan.

Sa magkakahiwalay na text message nitong Martes, nagkakaisa sina Reps Juan Edgardo Angara (Aurora), Florencio Noel (An Waray) at Joel Villanueva (Cibac), na makatutulong upang mabawasan ang aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga bus kung regular ang kita ng mga drayber.

“I believe mas maganda ang fixed na salary nila para hindi sila nakikipag-karera para makarami ng pasahero," ayon kay Angara.

Matatandaan na sinabi ng drayber ng Joanna Jesh bus na nakabangga sa isang kotse sa EDSA noong nakaraang buwan na hindi sila maaaring “pagpatay-patay" sa pagmamaneho dahil hindi sila kikita.

Namatay ang drayber ng kotse na si Dr Francisco Sarabia na nabangga ng nasabing bus matapos itong magliyab dahil sa malakas na pagkakasalpok sa puwetan ng sasakyan.

Isang pampasaherong bus rin ang bumangga sa isang SUV nitong Nobyembre 1 sa North Expressway sa Pampanga na nagresulta sa pagkamatay ng may anim na tao at pagkasugat ng may 50 iba pang pasahero.

Ayon sa mga kongresista hindi masisisi ang mga bus drayber na maging kaskasero sa kalye dahil sa hinahabol na 10 porsyentong komisyon sa kikitain nila sa pamamasada.

“Let us institute changes to the present system where bus drivers get their salary from the 10 percent commission. This is pushing bus drivers to rush their trip in a very compromising and dangerous situation to everybody," ayon kay Noel.

“Kung minsan, akala mo nga bullet trains ang mga iyan na sumasayaw pa sa major thoroughfares akala mo sedan lang ang dala," idinagdag nya.

Naniniwala si Villanueva na mababawasan kundi man tuluyang mabubura ang mga aksidente ng mga bus na ang dahilan ay pagmamadali ng mga drayber para kumita ng malaki.

“It is high time to consider giving bus drivers regular salary instead of commission basis to minimize if not totally avoided road accidents. This is also to caution them not to be on a hurry all the time," paliwanag ng kongresista.

Una rito, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Thompson Lantion na pag-aaralan ang posibilidad na gawin ng regular ang kita ng mga drayber ng bus. - GMANews.TV
 
Last Updated ( Wednesday, 05 November 2008 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.