|
Naniniwala si Citizens Battle Against Corruption Rep.Joel Villanueva na talagang hindi malinis ang hangarin ng Cha-cha.
“Mukhang sa simula pa lang, halatang gusto na ng administrasyon na manlinlang. Paano ba natin pagkakatiwalaan na malinis ang hangarin sa Cha-cha na ito?” tanong ni Villanueva.
Muling nabuhay kahapon sa pagdinig ng House committee on constitutional amendments sa Charter change (Cha-cha) ang planong palawigin umano ng isang taon o hanggang 2011 ang termino ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang mga halal na opisyal sa pamamagitan ng pagsususpinde ng halalan sa Mayo 2010.
Bagama’t itinanggi ni La Union Rep. Victor Ortega, chairman ng komite, ang plano na palawigin ang termino ni Pangulong Arroyo, inilabas ni Atty. Neri Colmenares ang House Resolution (HR) No. 550 na isinumite ni Batangas Rep. Hermilando Mandanas na magsusulong ng nasabing bagay.
“This is an indication that there was a proposal to extend the term of office of the President,” ani Colmenares.
Sa ilalim ng resolusyon ni Mandanas na inihain noong nakalipas na buwan, layunin nitong amyendahan ang Saligang Batas ng 1987 upang maging apat na taon ang termino ng mga halal na lokal opisyal, hindi kasama ang barangay level.
Nabatid na mananatili naman sa termino ang mga halal na opisyal, hindi kasama ang pangulo, bise presidente at mga senador na pawang anim na taon ang term of office.
Base sa resolusyon, malaki ang paniniwala ni Mandanas na magiging mabuti at maayos ang panunungkulan ng mga halal ng opisyal dahil hahaba ang termino.
Upang mapagsabay ang lokal at pambansang halalan, nais ni Mandanas na isagawa na lamang sa 2011 sa halip na 2010 ang halalan.
“To better synchronize local and national elections, and afford time for the necessary transitory preparations and the required adjustments, election due on the second Monday of May 2010, is hereby reset to the second Monday of May 2011. Furthermore, all elected officials whose term will end at noon of June 30, 2010 shall hereby hold office until noon of June 30, 2011,” anang resolusyon.
Naniniwala naman si Citizens Battle Against Corruption Rep. Joel Villanueva na talagang hindi malinis ang hangarin ng Cha-cha.
“Mukhang sa simula pa lang, halatang gusto na ng administrasyon na manlinlang. Paano ba natin pagkakatiwalaan na malinis ang hangarin sa Cha-cha na ito?” tanong ni Villanueva.
Source: People’s Tonight by Ryan Ponce Pacpaco, November 26, 2008
|