

| Walang trabaho sa mga bagong graduate |
|
|
| Wednesday, 14 January 2009 | |
|
Bagama’t inihayag ng pamahalaan na mataas ang numero ng employment rate ngayong unang buwan ng taon, sinabi ni Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) party-list Rep. Joel Villanueva na mahirap paniwalaan ito at mahirap pa ring makita ang oportunidad ng mga new graduates na makahanap ng trabaho sa darating na Marso o Abril. Aniya, may bantang job losses ngayong taon dahil sa paghina ng pandaigdigang ekonomiya at ang malala ay ang purchasing power ng isang manggagawa ang tunay na problema na kinakaharap nito. Mahihirapang makatagpo ng mapapasukang trabaho ang mga milyung-milyong magsisipagtapos sa kanilang pag-aaral sa darating na Marso. Ito ang nakikitang senaryo ni Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo matapos ipahayag ng Employer’s Confederation of the Philippines (ECOP) na napakahirap umanong gumawa ng isang milyong trabaho ngayon na apektado ang bansa ng global financial crisis. “Sa kalagayang maraming mga negosyo at kumpanya ang tumumal at nagbabawas ng mga manggagawa, tiyak na mas mahirap makatagpo ng mapapasukan na akmang trabaho ang mga graduate sa Marso,” ayon kay Ocampo. Dahil dito, iminungkahi ng kongresista sa pamahalaan na ngayon pa lamang ay paghandaan ang nalalapit na global financial crisis at sikaping makapagdagdag ng mga bagong trabaho upang hindi tumaas ang bilang ng unemployment rate sa bansa, Bagama’t inihayag ng pamahalaan na mataas ang numero ng employment rate ngayong unang buwan ng taon, sinabi naman ni Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) party-list Rep. Joel Villanueva na mahirap paniwalaan ito at mahirap pa ring makita ang oportunidad ng mga new graduates na makahanap ng trabaho sa darating na Marso o Abril. Aniya, may bantang job losses ngayong taon dahil sa paghina ng pandaigdigang ekonomiya at ang malala ay ang purchasing power ng isang manggagawa ang tunay na problema na kinakaharap nito. SOURCE: Abante-Tonite by Dindo Matining, January 14 2009 |
|
| Last Updated ( Wednesday, 14 January 2009 ) |
| < Prev | Next > |
|---|