rep-chona-header.jpg
On PGMA’s rating PDF Print
Wednesday, 18 March 2009
Matagal na ang panawagan ng iba’t ibang sektor para sa pagbaba ni PGMA sa pwesto at ito ay base sa mabibigat at seryosong mga kadahilanan. Ang mababang antas na kanyang nakamit mula sa taong bayan ay nagpapakita lamang ng saloobin nila tungkol sa kaniyang pamamahala. Bagamat ang pagbibitiw ay isang desisyon na kanya lamang magagawa, ito ay dapat niyang ikonsidera sa gitna ng mga panawagan at rating na kanyang tinangggap. Subalit kung patuloy ang pagbibingi-bingihan, sana  na lang ay sa maikling panahon pa na nalalabi sa kaniyang panunungkulan ay ipakita na niya ang kaniyang political will na gawin kung ano man ang tama, makatwiran, makatarungan at tunay na mabuti para sa kapakanan ng mga mamamayan na sinumpaan niyang paglingkuran.
 
< Prev
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.