CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Pag-aresto kay Lozada binanatan PDF Print
Thursday, 30 April 2009

Sa Kamara, sinabi ni CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva na sa pag-aresto kay Lozada ay lalo pang naipinta ang corrupt image ng Arroyo government. Ayon pa kay Villanueva, hindi si Lozada ang ipinapakulong ng Arroyo government kundi ang katotohanan sa ZTE-NBN deal na pinagtatakpan ng mga alipores ng pangulo.

Mahigpit na kinondena kahapon ng ilang mambabatas ang ginawang pag-aresto ng pulisya kay Rodolfo Noel “Jun” Lozada Jr., whistleblower sa $329 milyong NBN-ZTE deal scandal, dahil lamang sa isang perjury case na inihain ng isang dating opisyal ng gobyerno na isinabit sa kontrobersya.

Naniniwala sina Sens. Mar Roxas, Francis ‘Kiko’ Pangilinan at Pia Cayetano na wasak na ang hustisya sa bansa dahil kung sino pa ang nagbunyag ng katiwalian sa gobyerno ang siya ngayong pinaparusahan ng batas.

Wasak na wasak na ang hustisya dito sa ating bansa. Kitang-kita natin kung paanong ang hustisya natin ay palaging pabor sa mayayaman at nasa poder. Kitang-kita natin kung paanong pati ang katotohanan ay kayang-kayang supilin ng mga magnanakaw sa gobyerno,” pagdidiin ni Roxas.

Si Lozada ay inaresto ng team mula sa Manila Police District sa De La Salle University kahapon matapos na paboran ng korte ang inihaing kasong perjury ni dating Presidential Chief of Staff Mike Defensor.

“This is clearly political harassment. It is obvious Lozada is being pressured because he blew the whistle. Secondly, it’s questionable that Defensor is the one served so-called justice when there are bigger fish to fry,” ani Pangilinan.

Sa Kamara, sinabi naman ni CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva na sa pag-aresto kay Lozada ay lalo pang naipinta ang corrupt image ng Arroyo government.

Ayon pa kay Villanueva, hindi si Lozada ang ipinapakulong ng Arroyo government kundi ang katotohanan sa ZTE-NBN deal na pinagtatakpan ng mga alipores ng pangulo.

Nauna rito, sinabi ni Defensor na walang kinalaman ang Malacañang sa kasong isinampa niya kay Lozada, sa halip ay itinuloy niya ang kaso upang mabura sa isip ng kanyang asawa at mga anak na sangkot siya sa sinasabing pagdukot kay Lozada.

Sinabi naman ni Akbayan party-list Rep. Riza Hontiveros na naghugas-kamay lamang si Defensor nang sabihin nitong hindi politically-motivated at walang kinalaman ang Malacañang sa pag-aresto kay Lozada.

“Sino ang maniniwala na hindi politically motivated? Ang bilis nila hulihin dahil sa isang alegasyon lamang, samantalang ang mga kagaya ni Jocjoc Bolante, (dating Comelec Chairman Ben) Abalos at (dating Justice Secretary Hernando) Nani Perez na gumamit ng kanilang posisyon para nakawin ang pera ng bayan ay binebeybi ng pamahalaan,” ani Hontiveros.

SOURCE: ABANTE-TONITE (Boyet Jadulco, Bernard Taguinod, Dindo Matining, Noel Abuel) April 30, 2009

Last Updated ( Thursday, 30 April 2009 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.