CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Villafuerte hinamon sa pro-ChaCha solons PDF Print
Tuesday, 19 May 2009

Kung totoo si Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte sa kanyang pahayag na patay na ang Charter Change (ChaCha), mas mainam kung hihikayatin nito ang mga kapwa mambabatas para i-withdraw na rin ang kanilang pagsuporta rito.

Ayon kay Citizens Battle Against Corruption (Cibac) party-list Rep. Joel Villanueva, mas maniniwala ang taumbayan na patay na nga ang ChaCha kung ipapakita o ihahayag ng mga alipores ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na inalis na nila ang kanilang suporta sa pagsusulong nito.

“That’s the best thing Villafuerte could do, urge his fellow signatories in his House Resolution 1109 to withdraw their signatures,” ani Villanueva sa panayam ng TONITE kahapon.

Sa tingin ni Villanueva, hindi pa rin lubusang naniniwala ang taumbayan na patay na nga ChaCha dahil andiyan pa rin ang isa pang utak sa pagsusulong ng ChaCha na si Speaker Prospero Nograles na nauna nang nagpahayag na kanila pa ring itutuloy ito kahit na nag-withdraw na si Villafuerte.

“Hangga’t andiyan pa rin ang mga pro-administration lawmakers who are supporting and pushing to amend the Constitution hindi pa rin maniniwala ang taumbayan na dead na nga ang ChaCha,” dagdag pa ni Villaneuva.

Inaasahang magiging mainit ang gagawing deliberasyon ng Constitutional Assembly resolution na nakatakdang pagbotohan bukas (Martes) sa Kamara. 

SOURCE: ABANTE-TONITE by Dindo Matining, May 18, 2009 

Last Updated ( Tuesday, 19 May 2009 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.