CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Con-Ass inilusot! PDF Print
Thursday, 28 May 2009

Hindi na sila kinilabutan. Hindi na sila natakot. Parang nag-rescucitate sila ng bangkay,” ayon kay Villanueva.  

Inakusahan ng mga miyembro ang mga alagad na kongresita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Kamara ng pag-railroad sa House Resolution 1109 na naglalayong magpatawag ng Constituent Assembly (Con-Ass). 

Ayon kay Assistant Minority Floor Leader Satur Ocampo, tinangka nilang pigilin ang mayora ng komite sa pagbuhay sa Con-Ass resolution subalit wala umanong nagawa ang minorya dahil outnumbered sila. 

“The minority valiantly tried to stop the revival of the committee of HR 1109. But we were greatly outvoted by superior number of majority representatives,” ani Ocampo. 

Dahil sa pag-railroad ng nasabing resolution, hindi pa rin sila hihinto sa pakikipagbanggaan sa mga pro-ChaCha congressmen at ilalaban pa rin nila ito pagdating ng debatehan sa plenaryo. 

“They railroaded the approval to set the plenary debate and later the ultimate approval. With the end of this, we fight and bring a case to Supreme Court,” giit pa nito. 

Sinabi naman ni Citizens Battle Against Corruption (Cibac) party-list Rep. Joel Villanueva na sadyang walang takot ang mga kaalyadong kongresista ni Pangulong Arroyo dahil kahit na patay na ang ChaCha ay pilit pa nilang binubuhay.

“Hindi na sila kinilabutan. Hindi na sila natakot. Parang nag-rescucitate sila ng bangkay,” ayon kay Villanueva. 

SOURCE: ABANTE-TONITE by Dindo Matining, May 27, 2009  

Last Updated ( Thursday, 28 May 2009 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.