CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Buwelo pa lang! PDF Print
Thursday, 11 June 2009

Naniniwala rin si CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva na, "It won’t stop us kahit na may threat. Our sentiment against ChaCha is already a sure success for us."

Nasa pagitan ng 15,000 hanggang 20,000 ang bumuhos na tao sa unang sigwada ng pagkilos sa kalsada laban sa Charter change (ChaCha) sa pamamagitan ng Constituent Assembly (ConAss) na inilusot ng mga galamay ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Kamara.

Dakong alas-singko kahapon nang magsalubong at matipon sa bantayog ni slain Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. sa panulukan ng Ayala Ave. at Paseo de Roxas sa Makati City ang iba’t ibang sektor at orga-nisasyong nagkanya-kanya ng martsa patungo sa malaking entabladong may malaking karatula ng "Stop Gloria Con-Ass".

Dumagdag pa sa buhos ng tao ang libu-libong emple-yado ng Makati City sa paglabas ng mga ito sa kani-kanilang opisina habang ang ilan naman ay nagsipag-hulog ng confetti mula sa nagtataasang gusali sa paligid bilang suporta sa naturang pagkilos.

"Umpisa pa lamang ito ng mga pagkilos hanggang hindi sila umaatras. Hindi niya (Arroyo) dapat paglaruan ang taumbayan. Ito’y warning kay GMA na huwag niyang sobrang galitin pa ang taumbayan," pahayag ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza.

"Simula na ito ng resbak sa administrasyon," paha-yag din ni Akbayan partylist Rep. Risa Hontivero.

Naniniwala rin si CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva na, "It won’t stop us kahit na may threat. Our sentiment against ChaCha is already a sure success for us."

"Uulitin ko lamang po ang panawagan namin sa sektor ng Simbahan, tinututulan namin ang ChaCha sa panahon ng gobyernong Arroyo, at higit sa lahat, ayaw namin sa ConAss dahil hindi ito ang tamang anyo kung babaguhin man ang Konstitusyon," anang talumpati ni Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo na tumayong kinatawan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ang malaking bulto ng rallyista mula sa grupong All Workers Union kasama ang mga estudyante at propesor ng University of the Philippines (UP) ay naglunsad pa ng maikling programa sa UP Theater Hall bago tumulak ng Makati.

Nakatawag-pansin naman ang malalaking grupo ng Partido ng Manggagawa (PM) at Alyansang Maralitang Pilipino (AMP) dahil sa kapal ng kasapian habang nagmamartsa mula Magallanes.

Nanggaling naman sa Edsa-Estrella St. ang grupo ni ZTE-NBN whistleblower Rodolfo ‘Jun’ Lozada.

Nasa makapal na crowd din ang grupong Rebolus-yonaryong Alyansang Makabayan (RAM) at ilang miyembro ng Magdalo.

May sariling crowd din ang Liberal Party (LP) bitbit naman ang slogan na anti-"Con-Ass-wang".

Nasa makapal na crowd din ng rallyista ang mga parishioners ng Parish of Our Lady of Abandoned na nagmartsa mula sa Mandaluyong.

Sa kahabaan ng Katipunan Ave., Quezon City, nagsasama-sama ang mga mag-aaral, guro at mga empleyado ng Ateneo de Manila University (ADMU), University of the Philippines (UP), Mi-riam College at Philippine Science and Business Administration (PSBA) sa pangangalampag sa pamamagitan ng ‘noise barrage’ at concert upang tutulan ang ConAss sa pamamagitan ng "TindigNation" campaign.

Kasabay nito ay katu-lad ding protesta ang inilunsad sa mga pa-ngunahing lungsod tulad ng Cebu, Davao, Neg-ros, Dagupan at Bulacan.

SOURCE: Abante Repertorial Team, June 11, 2009

Last Updated ( Thursday, 11 June 2009 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.