CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
FG ‘high risk’ sa swine flu PDF Print
Saturday, 27 June 2009

Ayon kay CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva, hindi birong milyones na katas ng taxpayers ang winawaldas ng First Couple sa pagliliwaliw na ito.

Hindi na pinasasabit sa foreign trips ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si First Gentleman Mike Arroyo. Ang dahilan: isa itong ‘high risk’ person kapag nadapuan ng Influenza A(H1N1) virus dahil sa mga karamdaman nito.

Ngunit ipinagkibit lang ng palasyo ang mga ganitong ‘unsolicited advice’ at sa halip ay sinabi ni Executive Sec. Eduardo Ermita na ito’y isang pribadong bagay na ang tanging magpapasya ay mismong ang Unang Ginoo o ang First Couple.

It’s their own call. Basa kanila na ‘yun,” ani Ermita.

Samantala, hanggang kahapon ay patuloy na binabatikos ang mga ‘side trips’ ng Pangulo, partikular ang pagliko nito sa Colombia bago tumungo sa official visit nito sa Brazil.

Ayon kay CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva, hindi birong milyones na katas ng taxpayers ang winawaldas ng First Couple sa pagliliwaliw na ito.

Sa masamang lagay ng ekonomiya ng bansa kung saan milyong Filipino ang nagugutom, hindi makatwirang magpabaka-bakasyon pa sa ibang bansa ang lider nito.

Kaugnay pa rin ng Colombia trip, sinabi ni Makati Mayor Jejomar Binay na lalong lumaki ang pagdududa ng publiko sa bakasyong ito dahil na rin sa magkakaibang paliwanag ukol dito ng mga palace officials.

SOURCE:  ABANTE by Rose Miranda/Bernard Taguinod/Eralyn Prado,  June 26, 2009

Last Updated ( Saturday, 27 June 2009 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.