

| Gloria pinagpapaliwanag sa sangkatutak na angkas |
|
|
| Saturday, 27 June 2009 | |
|
I think proper reporting will do. She should explain it. Tumaas lang naman ang kilay ng publiko sa dami ng number ng kanyang delegates. Bakit kailangang ganu’n karami ang kasama,” ani Villanueva. Dapat umanong magpaliwanag si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung bakit sangkatutak ang bilang ng entourage nito tuwing bibiyahe sa ibang bansa. Ayon kay Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) party-list Rep. Joel Villanueva, nararapat na ipaliwanag niya ito sa taumbayan dahil nanggaling umano ang ginagastos nila sa buwis na ibinabayad ng taumbayan. “I think proper reporting will do. She should explain it. Tumaas lang naman ang kilay ng publiko sa dami ng number ng kanyang delegates. Bakit kailangang ganu’n karami ang kasama,” ani Villanueva patungkol sa mga gabinete at kongresista na kasama ang pamilya nito na kasama sa biyahe sa Japan at Brazil. Dapat din umanong ipaliwang ni Arroyo kung bahagi ng polisiya ng gobyerno ang pagsama ng maraming gabinete at kaalyado sa mga biyahe sa labas ng bansa. “It is a policy of the government? Transparency and accountability ay pwede namang ipakita without resorting to investigation lalo na’t sinasabing nilang walang tinatago ang ating pamahalaan,” anang kongresista. Para naman kay Gabriela party-list Rep. Luz Ilagan, wala namang napala ang bansa sa mga biyahe ni Pangulong Arroyo. SOURCE: ABANTE-TONITE by Dindo Matining Wednesday June 24, 2009 |
|
| Last Updated ( Saturday, 27 June 2009 ) |
| < Prev | Next > |
|---|