CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Oras ng NBI ‘wag sayangin sa breast implant ni Gloria PDF Print
Wednesday, 08 July 2009

"Useless. Mas mara-ming importanteng bagay ang dapat pagtuunan ng pansin. The issue again here is transparency and accountability," pahayag naman ni Villanueva sa kanyang text message.

Hindi na dapat pang pag-aksayahan ng panahon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga kung saan nagmula ang impormasyon hinggil sa pagpapaayos ng breast implant ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Asian Hospital.

Nagkakaisa ng pana-wagan sina Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan, CIBAC party list Rep. Joel Villanueva at Makati Mayor Jejomar Binay, na dapat nang lubayan ng Malacañang ang taong nag-leak ng impormasyon sa breast implant ni Mrs. Arroyo.

"Dapat pinalampas na ng gobyerno ‘yung isyu. Lalo lang nilang pinalaki ang usapin," ani Pangilinan. Aniya pa, kahit confidential ang relasyon ng isang pasyente sa kanyang doktor, hindi dapat itinatago ng Malacañang ang lagay ng kalusugan ng Pangulo.

"Useless. Mas maraming importanteng bagay ang dapat pagtuunan ng pansin. The issue again here is transparency and accountability," pahayag naman ni Villanueva sa kanyang text message.

Kung may katotoha-nan naman umano ang nasabing impormasyon, dapat hindi na kasuhan ang taong nagkalat nito. "Siguro mas magandang palagpasin na lamang, huwag nang kasuhan lalo na kung may katotohanan naman ito," giit pa ng senador.

Ayon naman kay Binay, hindi isyu ang medi-cal procedure ng Pangulo kundi ang paggamit nito ng ahensiya ng pamahalaan sa "witch hunt".

"Once again, Malacañang is showing that it is ready to use law enforcement agencies against those who in their opinion have put Mrs. Arroyo in bad light, under this administration, agencies of government have become agents for harassing perceived enemies of Mrs. Arroyo," ayon pa kay Binay.

Sa panig ng NBI, nilinaw ni NBI Director Nestor Mantaring na ang Asian Hospital ang humiling ng imbestigasyon sa leakage ng breast implant ni Mrs. Arroyo at hindi ang Malacañang.

"Malacañang has nothing to do with the on-going probe. This is a request of a private hospital to conduct investigation for possible administrative liability of any of its hospital employees for getting patients’ files and leaking it," ani Mantaring.

SOURCE: ABANTE TONITE by Dindo Matining/Eralyn Prado/Nonnie Ferriol/Boyet Jadulco, July 8, 2009

Last Updated ( Wednesday, 08 July 2009 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.