CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
RP matagal nang bagsak sa corruption PDF Print
Wednesday, 11 November 2009

Para naman kay CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva, panibagong sampal sa Pilipinas partikular kay GMA ang hindi pagkakapasa sa MCC corruption test.

Matagal nang bagsak ang gobyernong Arroyo sa corruption test at habang nasa poder si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay patuloy na lalala ang katiwalian.

Ito ang reaksyon ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza kaugnay ng Millennium Challenge Corporation (MCC) corruption test kung saan muling nabigo ang Pilipinas na makapasa.

Ayon kay Maza, malaking himala kung makakapasa ang Pilipinas sa corruption test ng MCC, dahil sa halip na resolbahin ng Pangulo ang mga katiwalian sa gobyerno ay pinagtatakpan nito.

Para naman kay CIBAC party-list Rep.. Joel Villanueva, panibagong sampal sa Pilipinas partikular kay GMA ang hindi pagkakapasa sa MCC corruption test.

Ang MCC ay pinamumunuan ni United States (US) Secretary of State Hillary Clinton na nakatakdang makipagpulong kay Arroyo dito sa Pilipinas bago tumuloy sa Singapore para sa taunang APEC meeting.

SOURCE: ABANTE-TONITE (Bernard Taguinod) Wednesday November 11, 2009

Last Updated ( Wednesday, 11 November 2009 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.