CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Chiz for VP ilalarga na PDF Print
Friday, 20 November 2009

Nang tanungin ang isa pang kaibigan ni Escudero sa Kamara na si CIBAC party-list Rep. Joel Villa­nueva, sinabi nito na ma­laki ang tsansa ni Escudero sa vice presidency.

Anumang araw ngayon hanggang sa susunod na linggo ay ilalarga na umano ang vice presidential bid ni Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Sa impormasyong nakalap mula sa kampo ni Escudero, hindi na makiki­pag-agawan sa presidential seat ang senador bagkus ay ang ikalawang pinakamataas na posisyon na ang tinatarget nito.

“Anytime now or until next week magde-declare na siya as vice presidential candidate,” pahayag ng isang malapit na kaibigan ni Escudero na kasama sa paghahanda sa pagtakbo ng senador.

Ayon sa impormante, nagpasya ang grupo ni Escudero na tumakbo na lamang bilang VP kahit wala itong partido.
“Tulad ng sabi ni Chiz, ang Pilipinas ang kanyang partido,” ayon sa impormante na tumangging magpabanggit ng pangalan dahil hindi ito awtorisadong magsalita para sa senador.

Lumalabas na tatakbong independent si Escudero sa vice presidency bilang alternatibong kandidato.
Nang tanungin ang isa pang kaibigan ni Escudero sa Kamara na si CIBAC party-list Rep. Joel Villa­nueva, sinabi nito na ma­laki ang tsansa ni Escudero sa vice presidency.



SOURCE:  ABANTE-TONITE by
Bernard Taguinod Friday November 20, 2009

 

Last Updated ( Friday, 20 November 2009 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.