

| ChaCha itutulak ni Gloria -- Ermita |
|
|
| Thursday, 03 December 2009 | |
|
“Paglalaruan na naman ni PGMA ang proseso ng lehislatura para lang makabalik siya sa kapangyarihan sa pamamagitan ng ibang daan? ‘Yan ang tanong na dapat katakutan ng bayan,” anang kongresista [Rep. Joel Villanueva]. Ipupursige ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang isyu ng Charter change (ChaCha) sa oras na maupo ito bilang miyembro ng Kamara. Ito ang paniniwala ni Executive Secretary Eduardo Ermita sabay giit sa kumpiyansa na mananatiling maimpluwensya si Pangulong Arroyo sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil na rin sa pagiging Pangulo nito ng bansa sa loob ng siyam na taon. Nang matanong kung sapat ang magiging impluwensya sa pagsusulong ng ChaCha, sinabi ni Ermita na, “On anything, considering also na malaki ang ally namin sa Congress, Lakas-Kampi-CMD so you can be sure of that, that if she should continue and she is elected, definitely, she will have a clout among the congressmen.” Dugtong pa ni Ermita, malinaw naman na isa ang ChaCha sa prayoridad noon ni Pangulong Arroyo at ilang-beses pa na binigyan nang halaga sa kanyang mga nakaraang State of the Nation Address (SONA) dahil na rin sa paniniwala nang marami na napapanahon na upang iretoke ang Saligang Batas. Gayunpaman, bigla rin itong kumambyo at nilinaw sa media na hindi niya alam ang plano ng Pangulo sakaling makaupo sa Kongreso. Isa namang solusyong nakikita ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero ay kailangang lalong tumatag ang anti-ChaCha proponents sa Kamara at Senado oras na makapasok ang Pangulo sa pagka-kongresista dahil ito lamang ang tanging hadlang sa muling pagkabig nito sa pinakamataas na puwesto sa bansa.
“...The prospect of her becoming Prime Minister in case of ChaCha seems more real than fiction. That’s the best argument not to do ChaCha,” diin ni Escudero. “Paglalaruan na naman ni PGMA ang proseso ng lehislatura para lang makabalik siya sa kapangyarihan sa pamamagitan ng ibang daan? ‘Yan ang tanong na dapat katakutan ng bayan,” anang kongresista. SOURCE: ABANTE (Rose Miranda/Boyet Jadulco/Bernard Taguinod) Thursday December 3, 2009 |
|
| Last Updated ( Thursday, 03 December 2009 ) |
| < Prev | Next > |
|---|