CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
MARTIAL LAW WALA NA! PDF Print
Sunday, 13 December 2009

 “Hindi kasi nila kayang i-defend at alam nilang unconstitutional,” reaksyon agad ni CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva matapos ianunsyo ng Malacañang na babawiin nila ang Martial Law sa Maguindanao.

“Mrs. Arroyo also cannot afford to face the international media, and the international community with Martial Law still in force,” dagdag pa ng kongresista subalit dapat ani­yang maglabas pa rin ng desisyon ang Korte Suprema upang hindi na umulit si Arroyo sa mga susunod na panahon. 

Binawi na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Martial Law sa Maguin­danao matapos ang isinagawang emergency meeting ng National Security Council sa Malacañang.

Ang pagbawi sa Proclamation 1959 ay naging epek­tibo alas-nuwebe kagabi. Ang desisyon na bawiin na ang Martial Law ay ibinatay ng Pangulo sa isinumiteng joint report ng Armed For­ces of the Phi­lippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sa isang press confe­rence sinabi ni Executive Sec. Eduardo Ermita na may batayan para bawiin na ang Martial Law at tinukoy nito ang report ng mga awtoridad na nagsasaad na nakasuhan na ng rebel­yon at multiple murder char­ges ang mga suspek sa Ma­guindanao massacre at nasa kustodya na ang mga ito ng mga awtoridad.

“In view of the accomplishments of Martial Law and the suspension of the privilege of the habeas corpus under Proclamation 1959, the Cabinet has re­commended the lifting of Martial Law and which the President has approved,” pahayag ni Ermita.

Sa datos ng PNP ay tatlo na ang nakasuhan ng multiple murder habang 24 ang kinasuhan ng rebelyon habang 247 indibidwal pa ang sinampahan ng multiple murder charges sa Department of Justice (DOJ) samantalang 638 katao ang sinampahan ng rebelyon.

Nagkaroon umano ng 52 na pag-aresto sa mga indibidwal na lumabag sa kasong rebelyon samantalang may 128 miyembro ng civilian volunteer organizations ang sumuko habang 399 katao ang nasa kustodya ng awtoridad.
Naibalik na rin umano sa normal ang operasyon ng local government unit sa lalawigan kasunod ng pagtatalaga kay Vice Gov. Ansarrudin Adiong bilang acting governor.

Naialis na umano ang “rebel positions” sa ilang lugar sa Maguindanao at umiiral na rin ang criminal justice system na noong una ay may takot ang mga empleyado, mga prosecutor at maging mga hukom.

Bagama’t inalis na ang Martial Law sa Maguindanao, nilinaw ng Malacañang na patuloy na umiiral ang state of emergency sa mga lugar ng Maguinda­nao, Cotabato City at Sultan Kudarat.

Noong Disyembre 4 idineklara ni Pangulong Arroyo ang Martial Law rule sa Maguindanao matapos ang massacre noong Nobyembre 23 kung saan 57 katao ang pinaslang kabilang ang 30 mamamahayag.

Dahil sa deklarasyon ay pitong petisyon mula sa iba’t ibang sektor ang ihinain sa Korte Suprema na humihi­ling na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa Proclamation 1959 at ideklara itong labag sa batas, at dahil nabawi na ang Martial Law ay mababalewala na ang petisyon na nakabinbin sa SC gayundin ang botohan sana ng joint session ng Senado at Kongreso sa darating na Martes kung papabor ito o hindi sa pagpapatupad ng Martial Law sa Maguindanao.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang operasyon ng military at pulis sa natu­rang lugar.

Joint session ipatitigil

Bunsod nito, ipatiti­gil na ni Senate President Juan Ponce Enrile ang joint session ng Kongreso sa Lunes matapos bawiin ni Pangulong Arroyo ang Proclamation 1959 hinggil sa Martial Law sa Maguindanao.

“Ang purpose ng joint session is to scrutinize the proclamation of the Presi­dent at decide whether we revoke it. Now since that the President has decided to lift it then there’s no­thing to revoke. So the session will end there and we’ll meet probably to adjourn,” wika ni Enrile sa isang programa sa DwIZ.

Natutuwa naman ang Senate President sa pagtanggal ng Martial Law dahil sa umiinit na ang espekulasyon na palalawakin ang sakop ng Batas Militar sa buong kapuluan.

“Mabuti na nga para tumahimik ‘yung nag-e-speculate. Nabobomba ‘yung publiko sa espekulas­yon gaya kaninang umaga mga headline ng peryodiko medyo matitindi. Kung anu-anong espekulasyon, pero hindi naman mangyayari iyon,” ani Enrile.

“‘Yung mga natatakot sa phantom of Martial Law eh medyo tatahimik na sila at hindi na mai-stress,” dagdag pa ng senador.

Giyerang Miriam-Remonde tuloy

Kahit lifted na ang Martial Law at tigil na rin ang joint session, tuloy pa rin ang giyera nina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Press Sec. Cerge Remonde.

Nairita si Santiago at tinawag pang ‘gago’ si Remonde dahil sa reaksyon nitong walang basehan ang patutsada ng senadora na may grand conspiracy sa creeping Martial Law.

Bilang ganti, sinabi ni Santiago na ipapabura niya ang budget ng tanggapan ni Remonde sa aapruba­hang panukalang budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Solons ‘di nagulat

Samantala, hindi na nagulat ang ilang kongresista sa pagbawi ng Malacañang sa Proclamation 1959 dahil hirap na hirap ang mga tauhan ni Pangulong Arroyo na idepensa ito sa joint session ng Kongreso.

“Hindi kasi nila kayang i-defend at alam nilang unconstitutional,” reaksyon agad ni CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva matapos ianunsyo ng Malacañang na babawiin nila ang Martial Law sa Maguindanao.

“Mrs. Arroyo also cannot afford to face the international media, and the international community with Martial Law still in force,” dagdag pa ng kongresista subalit dapat ani­yang maglabas pa rin ng desisyon ang Korte Suprema upang hindi na umulit si Arroyo sa mga susunod na panahon.

“That (lifting of Martial Law) was my penultimate question and appeal during my interpellation: since the government has achieved 90% of their Martial Law goal, why not lift Martial Law already?” ayon naman kay Parañaque Rep. Roilo Golez.
Nakahinga na umano ang mga tao sa aksyong ito ng Malacañang dahil maiiwasan na ang tulu­yang pagkahati-hati ng Kongreso at taumbayan sa na­sabing usapin.

Source: Abante-Tonite by TINA MENDOZA, BOYET JADULCO at BERNARD TAGUINOD, December 13, 2009 

 

Last Updated ( Sunday, 13 December 2009 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.