CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Access to info law magandang pamasko PDF Print
Tuesday, 15 December 2009

Ang party-list na Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) ang nagsilbing giya sa panukala [Access to Information law] mula noong 2001 hanggang umabot sa third rea­ding nakaraang taon. 

Idinagdag ni Bangon Pilipinas standard bearer Bro. Eddie Villanueva ang kanyang boses sa luma­lakas na panawagan para sa pagpasa ng Freedom of Information Act (FOIA).

“A legislated access to public information will be the most valuable Christmas gift that our legislators could give to the Filipino people this year,” wika ni Bro. Eddie.

Isinusulong ng Ba­ngon Pilipinas ang good go­vernance at regular na ipinaliliwanag sa iba’t ibang forum na itinutulak ng masamang pamamahala ang bansa sa lalo pang pagkalugmok.

Nakabimbin ang panukala sa Senado ngunit umaasa ang mga nagsusulong ng access to information na maipapasa ito ng Mataas na Kapulungan bago mag-adjourn ang session sa December 18.

Samantala, matagumpay na naipasa ng House of Representatives ang na­sabing panukala matapos sumailalim sa matinding debate sa plenary mula pa noong dekada 90.

Ang party-list na Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) ang nagsilbing giya sa panukala mula noong 2001 hanggang umabot sa third rea­ding nakaraang taon. 

SOURCE: ABANTE TONITE   December 15, 2009   Tuesday

Last Updated ( Tuesday, 15 December 2009 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.