rep-joel-villanueva1.jpg
Ano ang CIBAC? PDF Print
Monday, 29 January 2007

Ang Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party List ay isang organisasyong multi-sektoral na ang pangunahing layunin ay lupigin ang korapsyon at itaguyod ang malinis at matapat na pamamahala. Naninindigan ang CIBAC na korapsyon ang ugat ng kahirapan sa ating bayan at ang tuluyang pagkalupig lamang nito ang magdadala sa atin ng mas maunlad at matatag na kinabukasan.

Ano na ang nagawa ng CIBAC sa nakalipas na taon sa Kongreso? 

Mula 2001, ipinanukala ng CIBAC sa Kongreso ang halos tatlong daang mga batas at resolusyon at pina-imbestigahan ang mga ulat ng katiwalian sa gobyerno. Ilan sa mga ito ang batas na ngayon  - Procurement Act, Juvenile Justice Act, Public Attorneys’ Office Act, at ang Anti-Red Tape Act. Daanlibong kababayan din natin ang nakinabang sa CIBAC Scholarship Program, Medical Assistance Program, at sa palagian nitong Relief, Legal, Medical, at Dental Missions sa iba’t ibang panig ng bansa. Ibinalik din sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao ang pondo ng CIBAC sa pamamagitan ng mga proyekto at programang pang-kaunlaran. 

Ano ang gagawin pa ng CIBAC? 

Tuloy ang laban ng CIBAC sa korapsyon. Makakaasa ka na isusulong ng CIBAC sa Kongreso ang mga panukalang batas na magtatatanggol sa milyun-milyong Pilipino na biktima ng korapsyon. Hindi rin ito mangingiming pa-imbestigahan sa Kongreso ang mga ulat ng katiwalian sa gobyenro. Katulad ng ginawa ng CIBAC noong nakalipas na taon, muling titiyakin na ang pondo nitong mula sa bayan ay maibabalik din sa bayan. Patuloy ding ipapatupad ng CIBAC ang mga programang nagpapagaan sa buhay ng mamamayang Pilipino – Medical & Financial Assistance, Scholarships, Jobs Fair, Relief Operations, Feeding, at Medical & Dental Missions sa mga komunidad. 

Ano ang maaari mong asahan mula sa CIBAC Party List ngayong 14th Congress? 

Una, tiyak na may boses ka sa Kongreso. May mga kinatawan tayo na ipaglalaban ang katotohanan, katarungan, at katwiran sa tuwing ang mga ito’y malalagay sa peligro. Ikalwa, serbisyong maaasahan at tototo. May mga karamay tayo na palaging tutugon sa mga pangangailangan tulad ng gamot, edukasyon, hanap-buhay, payong legal, pabahay, at mga proyektong pang-kaunlaran. Ikatlo, mataas na antas ng paglilingkod sa bayan – may pananagutan, walang itinatago, walang sariling interes at palaging inuuna ang kapakanan ng bayan. Higit sa lahat, sa mata ng Diyos at kasaysayan may bahagi ka sa paglaban sa katiwalian at kahirapan!

Maraming, maraming salamat po sa inyong pagtitiwala, suporta, at sa tagumpay na ipinagkaloob ninyo sa ating party list CIBAC!

Last Updated ( Friday, 22 June 2007 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.