CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Wala kayong puso sa senior citizens! PDF Print
Monday, 01 February 2010
CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva, co-author ng panukala:Konsensiya na lang, ‘yun ang matagal nang panalangin ng mga Pinoy sa ating mga public servants lalo na sa Pangulo.

Hindi magkandaugaga ang Malacañang sa pagsalag sa tinatanggap na kaliwa’t kanang batikos makaraang ilutang nito kamakalawa ang pagdada­lawang-isip ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pirmahan ang naipasang batas ng Kongreso na nag-e-exempt sa senior citizens sa 12% value added tax (VAT) sa lahat ng binibi­ling produkto o serbisyo.

Kahapon ay umapaw ang panunumbat at apela kay Arroyo na huwag nang ipagkait ang kapiranggot na benepisyong ito sa mga nakakatanda. Ang pagdadamot ng gobyerno ay lantaran umanong pagpapakita ng kawalang puso at malasakit nito sa mga lolo at lola.

Sa kawalan ng maipa­nanggang katwiran, binuweltahan pa ni deputy presidential spokesman Gary Olivar ang mga pulitiko na huwag nang sakyan at gamitin sa kanilang kampanya ang isyu ng mga matatanda.

“’Yun po ay that is being irresponsible, that is being unfair, that is politicking and probably, that is exploiting the names and cause of the elderly for political end. ‘Yun po ‘yang ganoong klaseng behavior, iwasan po natin, ‘wag naman po natin­g gamiting sangkalan sa pa­ngangampanya ang mga senior citizens natin sa bagay na ‘yan,” ani Olivar.

Sa kabila nito ay nana­natili umano ang posisyon ng Malacañang na kailangan pang pag-aralang mabuti ng Pangulo ang panukala dahil matindi ang epekto nito sa ekonomiya lalo na’t ang anumang e­xemption sa VAT ay posibl­e umanong magbaon sa gobyerno sa mas malaki na namang pagkakautang.

Ngunit base naman sa kumalat na impormasyon kahapon na ang itinuturong source ay si House Speaker Prospero Nograles, isang press release umano ng pa­lasyo ang nagsasabing handa ang Pangulo na pirmahan ang batas anumang oras dahil ito’y isa sa pangunahing social legislation na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.Walang makuhang kumpirmasyon mula sa palasyo o kaninumang miyembro ng gabinete na magpapatunay ng katotohanan ng naturang press release.Samantala, narito ang umaapaw na batikos sa pagpapatumpik-tumpik ng Pangulo na pirmahan ang VAT exemption act para sa mga mamamayang 60-anyos pataas:Makati City Mayor Jejomar Binay: Pinapakita lamang ng Pangulo na wala siyang malasakit at pagmamahal sa mga senior citizens. Kung nagagawa umano ng Makati City na mapangalagaan ang interes ng mga nakatatanda, bakit hindi ito maibigay ng national government?Lakas-Kampi standard bearer Gilbert Teodoro: This legislation will resonate into the future and will be a lega­cy of this administration in helping our citizens in their twilight years… The govern­ment could also mount a “no-nonsense drive” against smuggling to compensate for projected revenue losses.Administration Sen. Edgardo Angara: Nilikha ang Expanded Senior Citizens bill bilang pagkilala aniya sa naging kontribusyon ng mga senior citizens sa ekonomiya at ipakita ang kulturang Pilipino na pangangalaga sa mga nakatatanda.Sen. Aquilino Pimentel Jr., isang senior citizen: Ipinapakita lamang ni Mrs. Arroyo ang kawalang pagpapahalaga sa mga matatanda o senior citizens dahil mas binibigyang importansya ang pera.Sen. Pia Cayetano, may-akda ng panukala: Congress has already done its part with respect to this measure. It is now up to President Arroyo to decide whether her government is willing to provide relief to our elderly who have long been deprived of the full benefits of the 20 percent senior citizens discount because of the 12% VAT.Gabriela partylist Rep. Liza Maza: Masyado naman siyang insensitive sa welfare ng mga senior citizens. Kulang na nga sa serbisyo ang gobyerno, ipagkakait pa niya ito sa matatanda.Bukidnon Rep. Teofisto ‘TG’ Guingona III: Dapat lagdaan niya dahil mala­king ginhawa iyan sa mga matatanda. Huwag naman siyang mag-pusong bato.CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva, co-author ng panukala:Konsensiya na lang, ‘yun ang matagal nang panalangin ng mga Pinoy sa ating mga public servants lalo na sa Pangulo.Nueva Ecija Rep. Edno Joson: Kumbaga, isakri­pisyo ang mga lolo at lola para ipakita na hindi siya lame duck president. Na lahat ng gusto niyang gawin ay gagawin niya at walang makakapigil.SOURCE:   ABANTE   by Rose Miranda/Eralyn Prado/Rey Marfil/Boyet Jadulco/Dindo Matining/Bernard Taguinod, January 30, 2010
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.