CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Magpaparusa kay Gloria lyamado na sa Mayo PDF Print
Monday, 01 February 2010

“I don’t think the presi­dential candidates are u­sing the unpopularity of the go­vernment. It is only pro­per and morally right to run after the officials of the go­vernment, including President Arroyo for the sake of transparency and accoun­tability,” ani [Rep. Joel] Villa­nueva.

Makakalamang na ang mga kandidato sa pampanguluhang halalan na kla­rong nagpapakita ng intensyong habulin ang mga bababang opisyal, sa pangunguna na ni Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo, kaugnay ng kina­sangkutan nilang mga anomalya at katiwalian.Ito ang pahayag ni C­IBAC partylist Rep. Joel Villanueva ukol sa sumpa ng mga presidentiables, maliban kay administration bet Gilbert Teodoro, na kanilang hahabulin si Arroyo kapag sila ang maluklok sa Malacañang sa Mayo.

Sinopla ni Villanueva ang pasaring ng Malacañang na ginagamit l­amang umano ng mga presidentiables ang pagiging “unpopular” ng Arroyo admi­nistration para sa kanilang ambisyong pulitikal.Gayunpaman, sinabi ni Villanueva na nagkakamali ang Malacañang dahil matagal na umanong uhaw sa katarungan ang taumbayan at sinuman ang maglalakas loob na parusahan si Arroyo at ng kanyang mga tauhan na nasangkot sa katiwalian ay ang iluluklok ng mamamayan sa kapangyarihan.

“I don’t think the presi­dential candidates are u­sing the unpopularity of the go­vernment. It is only pro­per and morally right to run after the officials of the go­vernment, including President Arroyo for the sake of transparency and accoun­tability,” ani Villa­nueva.

Gayunpaman, si­nabi ng kongresista na kaila­ngang gawin umano ito ng mga presidentiables kapag sila ang nailuklok sa Malacañang dahil kung hindi ay sila ang sisi­ngilin ng taumbayan at maaakusahan na kasabwat ng nakaraang administrasyon sa mga katiwalian.Kahapon ay kantyaw naman ang inabot ni Teo­doro sa kapartidong si Sen. Lito Lapid nang sabihin nitong kung siya ang tumatakbong president at tinanong kung papapanagutin ba niya ang Pangulo ay hindi umano siya ma­ngingiming ‘umoo’.

“Kung may kasalanan siya (Pangulo) dapat naman pong managot sa batas. Wala naman po dapat ilagan d’yan kahit sino, kahit ako,” diin ng senador sa isang programa sa dzXL.

SOURCE:   ABANTE by Bernard Taguinod/Boyet Jadulco, January 31, 2010   Sunday
    

Last Updated ( Monday, 01 February 2010 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.