

| Magpaparusa kay Gloria lyamado na sa Mayo |
|
|
| Monday, 01 February 2010 | |
|
“I don’t think the presidential candidates are using the unpopularity of the government. It is only proper and morally right to run after the officials of the government, including President Arroyo for the sake of transparency and accountability,” ani [Rep. Joel] Villanueva. Makakalamang na ang mga kandidato sa pampanguluhang halalan na klarong nagpapakita ng intensyong habulin ang mga bababang opisyal, sa pangunguna na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kaugnay ng kinasangkutan nilang mga anomalya at katiwalian.Ito ang pahayag ni CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva ukol sa sumpa ng mga presidentiables, maliban kay administration bet Gilbert Teodoro, na kanilang hahabulin si Arroyo kapag sila ang maluklok sa Malacañang sa Mayo.Sinopla ni Villanueva ang pasaring ng Malacañang na ginagamit lamang umano ng mga presidentiables ang pagiging “unpopular” ng Arroyo administration para sa kanilang ambisyong pulitikal.Gayunpaman, sinabi ni Villanueva na nagkakamali ang Malacañang dahil matagal na umanong uhaw sa katarungan ang taumbayan at sinuman ang maglalakas loob na parusahan si Arroyo at ng kanyang mga tauhan na nasangkot sa katiwalian ay ang iluluklok ng mamamayan sa kapangyarihan. “I don’t think the presidential candidates are using the unpopularity of the government. It is only proper and morally right to run after the officials of the government, including President Arroyo for the sake of transparency and accountability,” ani Villanueva. Gayunpaman, sinabi ng kongresista na kailangang gawin umano ito ng mga presidentiables kapag sila ang nailuklok sa Malacañang dahil kung hindi ay sila ang sisingilin ng taumbayan at maaakusahan na kasabwat ng nakaraang administrasyon sa mga katiwalian.Kahapon ay kantyaw naman ang inabot ni Teodoro sa kapartidong si Sen. Lito Lapid nang sabihin nitong kung siya ang tumatakbong president at tinanong kung papapanagutin ba niya ang Pangulo ay hindi umano siya mangingiming ‘umoo’.
“Kung may kasalanan siya (Pangulo) dapat naman pong managot sa batas. Wala naman po dapat ilagan d’yan kahit sino, kahit ako,” diin ng senador sa isang programa sa dzXL. |
|
| Last Updated ( Monday, 01 February 2010 ) |
| < Prev | Next > |
|---|