rep-joel-villanueva3.jpg
Sa pagkukondisyon sa mga Pinoy sa failure of election PDF Print
Monday, 01 February 2010

Nakasalalay ang reputasyon ng buong Comelec bilang isang institusyon sa darating na automated elections. Pero ang sinasabi nila ngayon, aabot ng hanggang 30% ang kabiguan ng automation. 

Ang baba naman ng tingin nila sa atin na hindi nila kayang pangakuan ng 100% na tagumpay ang automation! Huwag naman sanang kasama sa paghahanda sa automation ang plano na hindi ito magtatagumpay. 

Alam nating lahat na mababa ang tiwala ng tao sa kanila since ‘Hello Garci’ scandal kaya ibabagsak pa nila lalo ito kapag pumalpak ang automation. Hindi pa tuluyang nakakabawi ang Comelec sa isyu ng “Hello Garci” scandal kung saan ang kanilang commissioner noong 2004 presidential election na si Virgilio Garcillano ay inakusahang tumulong kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para dagdagan ang botong nakuha kaya ito nanalo.


Lalong guguho ang tiwala ng publiko sa Comelec kapag pumalpak ng tuluyan ang election automation sa Mayo dahil sa iba’t ibang problema na nakikita ngayon pa lamang sa kanilang precinct count optical scan (PCOS) machines. 

Ang halalan sa Mayo ang magiging batayan kung maka­kabangon ang Comelec mula sa pagkakalugmok sa mga nakaraang halalan dahil sa katiwalian at dayaan. Kapag pumalpak ang automation ngayong Mayo, mawawalan ng trabaho ang mga taga-Comelec pag pumalpak ulit sila dahil ang taumbayan mismo sa tingin ko ang sisisante sa kanila!

Last Updated ( Monday, 01 February 2010 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.