CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Dokumentong magdidiin kay Gloria mawawala PDF Print
Sunday, 14 February 2010

“How can we now compel her and the government agencies to have these documents when she killed our pet bill, the FOI,” ani [Rep. Joel] Villanueva.

 

Mahihirapan ang mga grupong magsasampa ng mga kaso laban kay Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo pagbaba nito sa poder sa Malacañang dahil sa pagpatay sa Freedom of Information Bill.

 

Ito ang kinatatakutan ni CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva kaugnay ng nasabing panukala na naghihingalo na matapos na hindi ito maipasa sa huling araw ng sesyon ng Kongreso noong nakarang linggo.

Ayon kay Villanueva, isa sa mga may-akda sa nasabing panukala, maha­laga ang nasabing panukala para maobliga ang lahat ng ahensya ng gobyerno na maglabas ng mga dokumento na kailangang ng isang mamamayan o
taxpayer.

 

Aminado si Villanueva na marami pang mga dokumento ang kailangan para maidiin si Arroyo sa mga kasong isasampa laban sa kanya pagkatapos ng kanilang immunity sa mga asunto.

 

Kabilang sa mga dokumentong kailangan ay ang orihinal na kontrata sa ZTE-NBN deal kung saan kasama si Arroyo at asawa nitong si First Gentleman Mike Arroyo na nagtungo sa Zhen-Zhen, China.

 

Subalit dahil pinatay umano ni Arroyo ang mga FOI bill, mahihirapan ang mga magsasampa ng kaso laban sa kanya na makuha ang mga kailangang dokumento lalo na kung kaal­yado nito ang maihahalal na pangulo sa Mayo.

 

“How can we now compel her and the government agencies to have these documents when she killed our pet bill, the FOI,” ani Villanueva.


SOURCE:   ABANTE-TONITE
ni Bernard Taguinod, Wednesday   February 10, 2010

Last Updated ( Sunday, 14 February 2010 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.