CIBAC Party List
Citizens' Battle Againts Curruption
Pag-abswelto sa Ampatuans, parte ng ‘grand plan’ PDF Print
Wednesday, 31 March 2010

“Ang napahiya sa tao ay ang pamahalaang Arroyo na nag-imbento ng rebellion na kaso para lang protektahan ang mga cri­minal,” pahayag naman ni CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva na nagbabala din na kapag nakalu­sot sa murder case ang mga akusado ay hindi umano tatahimik ang mga tao.

Bahagi lamang ng isang mas malaki at mas maitim na plano ng pamahalaang Arroyo sa Mayo 10 ang pagkakaabswelto ng mga miyembro ng angkan ng Ampatuan, sampu ng mga galamay nito, sa kasong rebelyon.

Bagama’t sa simula pa lamang umano ay talaga namang hindi na akma ang kasong rebelyon laban sa mga Ampatuan na isinasangkot sa karumal-du­mal na Maguindanao massacre, ang higit umanong nakakabahala ay ang katuparan ng mga plano ng pamahalaang Arroyo mula sa justification ng Martial Law sa Mindanao hanggang sa kung ano man ang ipapagawang papel sa inabsweltong Ampatuans ngayong halalan.

Ayon kay Sen. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, pre­sidential bet ng Liberal Party (LP), “Clearly, the rebellion charges were questionable from the start and were part of this administration’s charade to justify the inexcusable declaration of martial law in Maguindanao. It was a sham declaration intended to protect and not prosecute the allies of Mrs. Arroyo and to confuse the public as to the real crimes committed by the Ampatuans.”

Mas lalo pang tumibay ang sabwatan ng Malacañang at pamilya Ampatuan upang manumbalik ang nakaugaliang sistema sa Mindanao kada eleksyon.

“The fact that the charges were weak to begin with shows that the political alliance is still alive. Before you know it, it will be business as usual for the Mrs. Arroyo, the Ampatuans and other politicians who serve her ends,” ani Aquino.

Bunga nito, nanawagan si Aquino sa Department of National Defense (DND) at Philippine National Police (PNP) na manindigan sa Konstitusyon at huwag padidikta sa mga naghaharing pulitikong may private armies ngayong eleksyon.

Pinupog din ng batikos at kantyaw sa Kamara ang pamahalaang Arroyo sa pagkakabasura ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) sa kasong rebel­yon sa pangunahing mga akusado sa Maguindanao massacre.

“So wala talagang basis ang Proclamation 1159 pero kapag nakalusot ang mga Ampatuan o si Mayor Andal Jr., lamang ang mag-prosper ang kaso, people will be disgusted, lagot si Gloria,” pahayag ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson.

“Ang napahiya sa tao ay ang pamahalaang Arroyo na nag-imbento ng rebellion na kaso para lang protektahan ang mga cri­minal,” pahayag naman ni CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva na nagbabala din na kapag nakalu­sot sa murder case ang mga akusado ay hindi umano tatahimik ang mga tao.

Ayon naman kay Kabataan partylist Rep. Raymond Palatino, “The rebellion case served as their defense against multiple murder charges. This is Arroyo and her allies at work.”

“Obvious naman na talagang plinano ng admi­nistrasyon ni President Arroyo ang imminent release ng Ampatuan clans sa pamamagitan ng paghahain ng maling kaso ng rebellion,” anang text message pa ni Akbayan party­list Rep. Risa Hontiveros.

Sa panig ng Malacañang, sinabi ni deputy presidential spokesman Gary Olivar na hindi pa naman umano tapos ang laban at naniniwala silang hindi matutulad sa rebellion case ang patung-patong na murder cases laban sa mga akusado sa Maguindanao massacre.


“We continue to standby with the wisdom of that earlier decision. And as to the specific decision itself, we continue to have a recourse to the appeal process with the motion for reconside­ration so clearly this is very much not yet over. Hindi pa po tapos ito, nagsisimula pa po ito,” ani Olivar.

Sa panig ni Justice Sec. Alberto Agra, nilinaw nito sa dismayadong publiko na hindi ang Department of Justice (DOJ) ang nagbasura sa kasong rebel­yon laban sa mga Ampatuan at mga kasama kundi ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) kaya’t hindi umano makatarungang ibato ang sisi sa pamahalaan.

Matatandaang kasunod ng pagbasura sa rebelyon ay iniutos ni Judge Vivencio Baclig ang pagpapalaya sa mga akusado. Ngunit dahil mayroon pang ibang kasong kinakaharap ang mga ito ay nananatili sa piitan ang mga miyembro ng Ampatuan clan.

SOURCE : ABANTE TONIGHT by Rey Marfil, Bernard Taguinod, Dindo Matining, Rose Miranda at Tina Mendoza, march 31, 2010

 

Last Updated ( Wednesday, 31 March 2010 )
 
< Prev   Next >
Copyright © 2005-2010 CIBAC. All rights reserved.