

| Sali naman kami -- partylist group |
|
|
| Monday, 24 May 2010 | |
|
“Tapos na ang botohan sa Speaker kapag nai-proclaim na ang mga party-list congressmen kaya parang hindi sila kasama. Sana this time, kasama na sila,” pahayag ni Villanueva na bagama’t matatapos na ang termino ay nanalo pa rin ang kanilang partylist organization noong nakaraang eleksyon. Umapela ang mga partylist congressman sa Commission on Election (Comelec) na madaliin ang pagpoproklama sa mga nanalong partylist congressman para makasali ang mga ito sa paggpili ng Speaker of the House. Kapwa kinupirma nina CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva at Bayan Muna partylist Rep. Neri Javier Colmenares na laging naiitsapwera ang mga partylist congressman kapag nagkakaroon ng botohan sa speakership. “Parating hindi kasama ang partylist congressman sa botohan dahil laging late mag-proclaim ang Comelec,” pahayag ni Villanueva kaya hiniling nito sa Comelec na madaliin ang kanilang trabaho. “Tapos na ang botohan sa Speaker kapag nai-proclaim na ang mga party-list congressmen kaya parang hindi sila kasama. Sana this time, kasama na sila,” pahayag ni Villanueva na bagama’t matatapos na ang termino ay nanalo pa rin ang kanilang partylist organization noong nakaraang eleksyon. Ganito din ang inerereklamo ni Colmenares kaya umapela din ito sa Comelec na iproklama na ang mga partylist group na siguradong mayroon nang upuan sa Kamara. “Hindi sa nagmamadali kami pero kasama din kami dapat sa pagpili ng speaker,” pahayag ni Colmenares dahil karaniwang inaabot ng tatlong buwan pagkatapos buksan ang Kongreso bago may naiproklamang partylist congressmen. SOURCE: ABANTE by Bernard Taguinod, May 23, 2010 Sunday |
|
| Last Updated ( Monday, 24 May 2010 ) |
| Next > |
|---|

|
| CIBAC Search |
|---|
| Media Center Menu | ||||||
|---|---|---|---|---|---|---|
|