Kamara nakakahiya sa Mercy impeachment
Thursday, 19 November 2009

Kahiya-hiya umano ang ginawang pagratsada ng mga miyembro ng mayorya sa Kamara para lamang iabsuwelto nang tuluyan si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa kasong impeachment na isinampa laban sa kanya.

Ayon kay Citizens Battle Against Corruption (Cibac) party-list Joel Villanueva, dahil may marching mula sa Malacaņang, niyurakan umano ng mga alipores ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Kamara ang impeachment rules para masegurong absuwelto na si Gutierrez.

"Nakakahiya, nakakadismaya ang nangyari. Niyurakan nila ang rules at binalewala ang mga proseso para lamang maprotektahan si Gutierrez sa kabila ng matibay ng ebidensiya laban sa kanya," ani Villanueva.

Hindi naman nasorpresa si Sen. Panfilo Lacson sa ginawang pagbasura ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Gutierrez.

Nitong Martes ng gabi ay inaprubahan ng Kamara sa botong 172 pabor, 15 kontra at isang abstain ang committee report na nagbabasura ng impeachment complaint laban kay Gutierrez.

SOURCE: ABANTE-TONITE (Dindo Matining/Boyet Jadulco/Noel Abuel) November 19, 2009 Thursday