HINDI KAYO DIYOS!
Wednesday, 25 November 2009

“This massacre could just be cause by bloated ego and men who thinks they are gods,” pahayag pa ni Villanueva.

Deretsahang binakba­kan kahapon ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga taong nasa likod ng karu­mal-dumal na pananambang, pagdukot at pagmasaker sa mahigit 40-katao kamakalawa (sa pinakahuling ulat ay sinasabing 46 na ang kumpirmadong nasawi), kasama ang ilang babae at 12 mamamahayag, na patungong Commission on Elections (Comelec) sa Sharik Aguak, Maguin­danao para maghain ng certificate of candidacy (COC) ng isang kaanak.

Isa ang political clan ng mga Ampatuan sa pinagsusupetsahang nasa likod ng kalunus-lunos na masaker dahil kilala itong maigting na political rival ng angkan ng Mangudadatu.

“Such senseless killing and violence must be dealt with firmly just to show the rule of law can still prevail in a part of the country where the Ampatuans act like “gods,” mariing pagkondena ni Lacson sa masaker.

Noong 2004 national elections, kinasangkapan diumano ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ayon kay Lacson, ang pamilya Ampatuan upang makapaghatid ng malaking boto at i-zero ang mga kalabang tulad niya at maging ng namayapang si Fernando Poe Jr.

Sa nakaraang 2007 mid-term elections, mu­ling sinandalan diumano ng Malacañang ang pamilya Ampatuan.

Ngayong nalalapit ang 2010 elections, hindi aniya dapat bigyan ng puwang sa gobyerno ang mga ganitong uri ng pulitiko na pumapatay para lamang manatili sa kanilang puwesto.

Inilarawan naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, vice chairman ng House committee on national defense and security, na isang ‘diabolic act’ ang nangyaring pananambang, pagdukot at malupit na pagpatay sa mga kalabang political group.

“The Maguindanao massacre deserves but the strongest condemnation from the Filipino people. Killing for political reasons is already deplorable by itself.

But the ruthless murder of innocent bystanders especially journalist even goes beyond diabolic,” pahayag ni Biazon, “I refuse to believe that this is just all about politics. It is barbaric, the ways of the cavemen,” ayon naman kay CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva na kung tutuusin ay pumapatay ang mga cavemen habang ang mga taong nasa likod ng nasabing masaker ay dahil sa ego.

“This massacre could just be cause by bloated ego and men who thinks they are gods,” pahayag pa ni Villanueva.

Nanlumo rin ang Simbahang Katoliko sa kalunus-lunos na kamatayang ipinalasap sa mga inosenteng sibilyang babae at mga mi­yembro ng local media.
“The CBCP joins the nation in mourning and condemning the massacre of 36 innocent civilians, mostly women, including drivers and journalists. Whether it is politically motivated or not, it is still a crime against respect for life and peace and order in the community...” bahagi ng mensahe ng pagkondena ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo.

Dagdag pa nito, “We join the appeal to rightful authorities to restore justice in the situation. We likewise appeal that the common good as well as respect for human life be uppermost in the campaign for political ends.”

Kinalampag din kahapon ni Vice President Noli De Castro ang palasyo upang bigyan ng kataru­ngan ang mga biktima ng karahasan.

“These barbaric acts have no place in a civilized society. The perpetrators, no matter what power or political influence they wield, should be brought to justice,” ani De Castro.


‘State of emergency’


Idineklara kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ‘state of emergency’ sa buong Maguindanao, Sultan Kudarat at Cotabato City sa bisa ng Proclamation No. 1946 upang mapabilis ang pagresolba sa nangyaring Manguindanao massacre kamakalawa.

Ginawa ni Arroyo ang desisyon matapos ang cabinet meeting kahapon ng umaga sa Malacañang at bunsod na rin ng rekomendasyon ni presidential adviser on Mindanao affairs Jesus Dureza na ipatupad ang nasabing opsyon.
Ipinaliwanag ni Secretary to the cabinet Silvestre Bello III na sa ilalim ng ‘state of emergency’ ay suspendido ang writ of habeas corpus at ipapatupad ang pagdidis-arma sa mga private armed groups.

Ngunit para kay Makati City Mayor Jejomar Binay, vice presidential bet ng Partido ng Masang Pilipino (PMP) at running mate ni dating Pangulong Joseph Estrada sa 2010 elections, hindi umano solusyon ang ‘state of emergency’ dahil ang kailangan ngayon sa problema ng Maguindanao ay ang ‘political will’ at determinasyon ng mga awtoridad na mapanagot ang nasa likod ng karumal-dumal na pamamaslang.

“The administration needs to show that this time, it will not tolerate the actions of political allies,” ayon kay Binay na ang tinutukoy ay ang pinagdududahang Ampatuan clan.


Massacre probe


Samantala, itinalaga din kahapon ng Pangulo si Dureza bilang pinuno ng binuong crisis committee upang pangunahan ang malalimang imbestigasyon sa maramihang pamamaslang habang naglalatag ng mga hakbang upang hindi na maulit ang karahasan.

Hinggil naman sa pa­ngambang ma-hokus-pokus ang imbestigasyon dahil kilalang masugid na supporter at kaalyado ng Pa­ngulo ang mga Ampatuan ng Mindanao, siniguro ni deputy presidential spokeswoman Lorelei Fajardo na ipupursige ng national government ang paglalapat ng hustis­ya sa kaso kahit pa may mga kaalyadong maaaring madawit.

“We will pursue the case, and we cannot be affected by that. This incident is between two families and it has nothing to do with the administration,” ani Fajardo.

Kaugnay nito, kumilos na rin ang Department of Justice (DOJ) at ipinadala ang isang team ng National Bureau of Investigation (NBI) upang umasiste sa isang independenteng imbestigasyon.

“The Department of Justice condemns in the strongest the killing of these innocent people. We shall work on these cases until we have prosecute­d the perpetrators to its successful conclusion,” pahayag ni Justice Sec. Agnes Devanadera.


Dahil lang sa 1 COC


Labis namang ikina­lungkot ni ex-Sen. Ralph Recto na isang COC lamang ang naging mitsa ng ganito kalupit na pamamaslang sa mga babae at maging sa mga media practitioners.

“Has our democracy become so devalued that the exchange rate is now 46 lives to one COC? In an election, we may heckle our opponents but we don’t hack them down. This atrocity leaves a deep wound in our national psyche,” ani Recto.

Kinastigo rin ng Liberal Party (LP) ang kalunus-lunos na masake kung saan isa sa mga nasawi ay LP volunteer na lady lawyer.

“Isa roon sa mga pinaslang, isang Atty. Connie Brezuela, inosenteng abugada, ina, may pamilya, isang lawyer na nagsusumikap lamang para sa kanyang pamilya at nakita niya ang pagkakataon para sa pagbabago. Isa siya sa ating volunteers,” paglalahad ni LP president at vice presidential candidate Sen. Mar Roxas.

Bunga nito, siniguro naman ni Sen. Noynoy Aquino na kung papalarin siyang maluklok sa Malacañang sa 2010 ay isa sa kanyang unang gagawin ay putulin ang paghahari ng mga political warlords, kabilang ang mga Ampatuan ng Mindanao.

Para naman kay Sen. Lacson, gigil nitong sinabi na dapat ay gutayin din ng bala ang mga taong nasa likod ng brutal na masaker sa pamamagitan ng “shoot-to-kill” order laban sa mga ito.

 

(Rey Marfil/Bernard Taguinod/Jun Tadios/Rose Miranda/Eralyn Prado/Tina Mendoza/Boyet Jadulco/Dindo Matining)

   

SOURCE:   ABANTE, November 25, 2009

Last Updated ( Wednesday, 25 November 2009 )