| Access to info law magandang pamasko |
| Tuesday, 15 December 2009 | |
|
Ang party-list na Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) ang nagsilbing giya sa panukala [Access to Information law] mula noong 2001 hanggang umabot sa third reading nakaraang taon. Idinagdag ni Bangon Pilipinas standard bearer Bro. Eddie Villanueva ang kanyang boses sa lumalakas na panawagan para sa pagpasa ng Freedom of Information Act (FOIA). “A legislated access to public information will be the most valuable Christmas gift that our legislators could give to the Filipino people this year,” wika ni Bro. Eddie. Isinusulong ng Bangon Pilipinas ang good governance at regular na ipinaliliwanag sa iba’t ibang forum na itinutulak ng masamang pamamahala ang bansa sa lalo pang pagkalugmok. Nakabimbin ang panukala sa Senado ngunit umaasa ang mga nagsusulong ng access to information na maipapasa ito ng Mataas na Kapulungan bago mag-adjourn ang session sa December 18. Samantala, matagumpay na naipasa ng House of Representatives ang nasabing panukala matapos sumailalim sa matinding debate sa plenary mula pa noong dekada 90. Ang party-list na Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) ang nagsilbing giya sa panukala mula noong 2001 hanggang umabot sa third reading nakaraang taon. SOURCE: ABANTE TONITE December 15, 2009 Tuesday |
|
| Last Updated ( Tuesday, 15 December 2009 ) |